Filipino Pride at Culture, nangibabaw sa Opening Ceremony ng Sea Games

Nangibabaw ang Kultura ng mga Pilipino sa Opening Ceremony ng 30th Southeast Asian Games.

Inilunsad dito ang textile-inspired High Tech na Backdrop.

World Class Performance gaya ng Sarimanok Dance, Hispanic Self-Defence Art ng Arnis, at Folk Dance Choreography.


Magagarbo at makukulay ang mga ginamit na costume, na sumasalamin sa tradisyon at Kultura ng mga Pilipino.

Hindi magkamayaw ang mga Atleta at delegado mula sa 11 bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya.

Naging highlight ng seremonya ang paglabas ng ating mga atleta na sinabayan pa ito ng pagkanta at pagsayaw sa awiting ‘Manila’ ng Bandang Hotdog.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte at sen. Ronald Dela Rosa ay hindi mapigilang mapaindak sa umaapaw na saya sa loob ng Philippine Areana.

Facebook Comments