Tiniyak ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mababakunahan ang mga Filipino seafarers sa ilalim ng immunization program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Ang seafarers at mga OFW ay kasama na sa A4 priority group o mga frontliner personnel sa essential sectors.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, makikipag-ugnayan sila sa mga kaukulang ahensya upang mabakunahan ang mga seafarer bago ang kanilang deployment.
Ang mga OFW na naka-schedule para sa deployment – dalawang buwan mula sa oras na naisyuhan sila ng Overseas Employment Certificate (OEC) ay kasama sa ilalim ng A4 category.
Facebook Comments