Filipino student sa Australia, nalunod

Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naulilang pamilya ng isang Filipino student na nalunod sa Australia nitong Lunes, February 25.

Ayon kay Ambassador to Australia Ma. Hellen De La Vega, inabisuhan ng mga otoridad sa Queensland ang Philippine Embassy sa Canberra hinggil sa pagkamatay ng isang 24-year-old Filipino student mula sa Queensford College sa Brisbane.

Sa impormasyon mula sa embahada, nalunod ang estudyante sa Flinders Beach sa North Stradbroke Island.


Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Office of Migrant Workers Affairs sa naulilang pamilya nito na nagpasaklolo para sa repatriation ng mga labi ng biktima.

Nabatid na ito na ang ika-5 beses na insidente ng pagkalunod na sangkot ang Pinoy ngayong taon.

Sa datos ng DFA, 2 Filipino ang una nang nalunod sa New Zealand habang ang bagong kasal na mag asawa rin na nag honeymoon sa Maldives ay namatay dahil nalunod.

Facebook Comments