Filipino vloggers, nagluluksa sa pagkamatay ng YouTube-meme creator na si Lloyd Cadena

127

Nagluluksa ngayon ang mga Filipino vlogger sa pagkamatay ng YouTube-meme creator na si Lloyd Cafe Cadena sa edad na 26.

Lumalabas sa mga ulat na cardiac arrest umano ang naging dahilan ng pagkamatay ni Lloyd pero hindi pa ito kinukumpirma ng kaniyang pamilya.


Nakilala si Lloyd dahil sa mga nakakatuwa niyang skits at vlogs sa social media maging sa kaniyang annual charity projects gaya ng pamimigay ng school supplies sa mga estudyanteng hirap na matustusan ang kanilang pag-aaral.

Humihiling ngayon ng dasal at respeto ang pamilyang naiwan ni Lloyd Cadena.

Facebook Comments