Aldin Ayo, nagbitiw na bilang head coach ng UST Growling Tigers

Kinumpirma ni Head Coach Aldin Ayo ang kaniyang pagbibitiw bilang University of Santo Tomas (UST) Men’s Basketball Coach.

Kasunod ito ng isinagawang training camp ng kaniyang koponan sa kanilang probinsiya sa Sorsogon na umani ng batikos at negatibong reaksyon sa mga netizen.

Bukod pa rito, kwinestyon din ang pagbiyahe ng UST Growling Tigers sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Humingi na ng paumanhin si Coach Ayo sa mga naapektuhan sa kanilang ginawang aktibidad at handa niyang harapin ang anumang kaparusahan na ipapataw sa kaniya ng University Athletic Association of the Philippines Board of Managing Directors.

Sa ngayon ay iniimbestigahan na rin ng gobyerno ang UST matapos ang nasabing isyu.

Facebook Comments