Final 12 ng Gilas, kilalanin!

Inilabas na ng Gilas Pilipinas ang final 12 players nito na sasabak sa FIBA World Cup 2019.

Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao – pinangunahan ito ni naturalized player Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Raymond Almazan, Mark Barroca, Robert Bolick, Paul Lee, Gabe Norwood, CJ Perez, Roger Pogoy, Troy Rosario at Kiefer Ravena.

Naisapinal lamang niya ito matapos ang dalawang tune-up games nila sa team Australia kung saan hindi sila pinalad sa second game sa iskor, 85-75.


Hindi na rin sinama ng Gilas si Filipino-American player Jordan Clarkson dahil sa nagkaroon ng aberya sa kaniyang mga dokumento para makapaglaro sa Philippine national team.

Facebook Comments