7, patay sa banggaan ng 2 aircraft sa himpapawid sa Spain

Nasawi ang nasa pitong katao kabilang ang dalawang batas sa nangyaring midair collision o banggaan sa himpapawid sa pagitan ng helicopter at light aircraft sa Mallorca Island, Spain.

Sa ulat, lahat ng mga nakasakay sa dalawang aircraft – dalawa sa light plane at lima sa helicopter ay patay.

Lumalabas na ang helicopter ay nakarehistro sa Germany, pero inaalam pa rin kung ano ang nationality ng mga biktima.


Kilala ang Mallorca at iba pang Balearic Islands dahil sa dinarayo ito ng Spanish at foreign tourists, lalo na tuwing summer season.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Spanish Prime Minister Pedro Sanchez sa pamilya ng mga biktima.

Facebook Comments