Manila, Philippines – Inaasahang isusumite na ngayong araw, June 14, 2017 ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) sa Office of the President upang maisumite naman sa Congress sa June 24 o 25, 2017 ang inaprubahang draft Bangsamoro Basic Law (BBL) ng komisyon.
Una rito, inaprubahan ng BTC ang final draft ng BBL noong June 6.
Ayon kay GPH Peace Implementing Panel Chair Irene Santiago, umaasa sila na babanggitin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address at sasabihing priority bill ang BBL.
Sinabi pa ni Santiago na “better version” ang kasalukuyang final draft ng BBL ay ikinalugod ito ng mga miyembro ng komisyon.
Ang five-member Coordinating Committee ng 21-member BTC ang nag-finalized sa draft BBL at isinumite sa plenary.
Ang Transition Commission ay inatasan upang bumalangkas ng panukala ng Bangsamoro Basic Law kung saan ay dapat consistent naman ito sa 2012 Framework Agreement on the Bangsamoro.
DZXL558