Nagsimula na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Technical Inspection and Acceptance Committee (TIAC) sa pag-inspeksyon sa pangalawang bagong-gawang Frigate ng Philippine Navy, ang BRP Antonio Luna (FF-151) sa Ulsan, South Korea.
Ang committee ay pinamumunuan ni Rear Admiral Alberto Carlos, AFP Deputy Chief of Staff for Logistics, o J4.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Benjo Negranza, ang inspeksyon ay mula January 25 hanggang January 30, kung saan titingnan kung natupad ng Hyundai Heavy Industries sa Technical Specifications and Build Specifications (TS&BS) ang nakasaad sa kontrata.
Kapag pumasa ang BRP Antonio Luna sa inspeksyon, mag-iisyu ng Certificate of Final Acceptance sa Hyundai Heavy Industries ang TIAC team, para mai-deliver na ang barko.
Matatandaang nakapasa sa harbor at sea trials ang barko, pero dahil sa pandemya, naantala ang delivery date ng barko na orihinal na naka-schedule noong Oktubre.
Ang BRP Antonio Luna ang sister ship ng BRP Jose Rizal na ikinumisyon sa serbisyo noong July ng nakaraang taon.