Final Inter Agency Coordinating Meeting para sa nagpapatuloy na ASEAN SUMMIT 2017 sa Cebu nabulabog dahil sa abandonadong bag

Nabulabog ang Final Inter-Agency Coordinating Meeting of TG Cebu para ASEAN 2017 dahil sa abandonadong bag malapit sa isang basurahan sa venue ng meeting sa Cebu Ports Authority .
Ang susunod na ASEAN meeting ay gaganapin sa Radisson Blu Hotel sa Cebu City,kaya ngayon palang pinaghahandaan na ang seguridad.
Agad pinalabas ni Police Regional Office-7 Chief General Noli Taliño ang mga opisyal ng gobyerno at ang iba pang dumalo sa meeting habang tiningnan ang laman ng bag.

Daling tumawag ng bomb squad unit si Gen.Taliño upang matingnan ang bag at nakita na isang electronic air freshener ang nasa loob nito.

Ayon kay Gen. Talino, na ang insidente ay maituring na rin na actual drill , dahil nasubukan ang kahandaan ng kapolisan at bomb squad unit sa pang respondi sa bomb scare.#


Facebook Comments