DOJ. nagtalaga ng isa nilang opisyal para sa re-investigation ng DAP at PDAF scam

147

Manila, Philippines – Itinalaga ng Department of Justice si Undersecretary Antonio Kho bilang pinuno ng PDAF/DAP Scam Task Force.

Sa Department Order #435 ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, itinalaga si Kho para manguna sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng kontrobersyal na PDAF at DAP na una nang idineklara ng SC na unconstitutional.

Ang re-investigation ng DAP at PDAF Scam ay bunsod na rin ng mga bagong ebidensya at testigo na lulutang upang mapanagot ang sinasabing mga tunay na nasa likod ng nasabing anomalya.
Si Kho ang nakatoka sa overall supervision ng mga pagdinig ng kaso may kaugnayan sa DAP at PDAF re-investigation kabilang na dito ang mga kasong nakasampa sa Office of the Ombudsman maging ang mga kaso na nakahain na sa Sandiganbayan.


Facebook Comments