Final line-up ng Gilas Pilipinas para sa SEA Games, isinasapinal na

Isinasapinal pa lamang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang final lineup ng Gilas Pilipinas tatlong linggo bago magsimula ang Southeast Asian games.

Ito matapos sabihin ni SBP deputy executive director Butch Antonio na humiling ang organisasyon na palawigin ang deadline para rito.

Mababatid na noong March 12 ang deadline ng submission na itinakda ng Philippine Olympic Committee (POC).


Ang SBP lineup para sa Gilas Pilipinas ay mayroong 16 manlalaro kung saan kabilang si PBA MVP June Mar Fajardo ngunit kailangan nila itong tapyasin sa 12 katao.

Isa samga dahilan kung bakit humiling ng karagdagang oras ang SBP ay kasunod ng inindang calf injury ni Japeth Aguilar sa katatapos na 2021 PBA Governors’ Cup na siyang tumulong sa Barangay Ginebra na masungkit ang kampyeonato.

Facebook Comments