Aktor na si Baron Geisler, nakapagtapos na ng kolehiyo sa kursong Theology

Masayang ibinahagi ng aktor na si Baron Geisler na graduate na siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Theology.

Ito ay matapos magpost ito ng larawan sa kaniyang Instagram account na kuha sa dinaluhang commencement exercises sa All Nations College sa lungsod ng Antipolo sa Rizal.

Say ng aktor sa caption: My journey has reached its goal and opened a way before me. Thank you, Lord!”


Labis naman ang pasasalamat ni Baron sa kaniyang mentor na isang Doc Eph dahil sa paggabay sa kaniya sa paglalakbay upang matupad ang isa sa mga ipinagdarasal nito at yun ay ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral.

Facebook Comments