Final line-up ng Gilas Pilipinas, planong i-anunsiyo ni Coach Chot Reyes bago ang huling laro ng National Team sa PBA all star sa Cebu

Manila, Philippines – Plano ngayon i-anunsiyo ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang final-12 line up ng National Basketball Team bago ang huling laro ng PBA all star sa Cebu.

Nais kasi ni coach Chot na maging final practice na ng Gilas ang nasabing PBA event bilang paghahanda na din sa nalalapit na SEABA championship kung saan mababago ang original line-up ng mga players na maglalaro sa Lapu-Lapu Gym.

Pero ayon kay PBA media bureau chief Willie Marcial, mananatili pa rin sila sa ganun format kahit pa magbago ng desisyon hinggil sa maglalaro sa all star.


Ikinatuwa naman ni coach Chot ang halos perfect attendance ng practice ng Gilas dahil wala naka-schedule na laro sa PBA.

Nakatakda namna sumabak ang Gilas Pilipinas sa SEABA sa darating na May 12 -18 na mapapanoos sa Araneta Coliseum.
DZXL558

Facebook Comments