Houston Rockets, uusad na sa second round ng Western Conference Playoffs matapos talunin ang Oklahoma City Thunder

NBA – Tinapos na ng Houston Rockets ang kanilang serye kontra Oklahoma City Thunder matapos na manalo sa game 5 ng Western Conference Playoffs.

Tinalo ng Houston ang Oklahoma sa score na 105-99 kung saan naguna sa panalo si James Harden na may 34-points at 8-rebounds.

Ayon kay Rockets Coach Mie D’ Antoni, team effort at depensa ang naging susi sa kanilang pagkapanalo kahit pa kumamada ng 41-points at 11-rebounds si Russel Westbrook ng OKC.


Dahil dito, uusad na sa susunod na round ng playoffs ang rockets at aabangan na lang nito kung sino ang mananalo sa pagitan ng San Antonio Spurs at Memphis Grizzlies kung saan 3-2 na ang kanilang serye pabor sa Spurs.

Kasalukuyan naman naglalaro ang los Angeles Clippers at Utah Jazz sa game 5 ng kanilang series sa playoffs.

Facebook Comments