Final list ng mga kandidato para sa 2022 elections, hinihintay na ng LAKAS-CMD party

320

Hihintayin muna ng political party na Lakas-Christian Muslim Democrats (LAKAS-CMD) ang final list ng mga kandidato para sa 2022 elections bago mag-convene at magdesisyon kung sino ang susuportahan.

Ayon kay Deputy Speaker Prospero Pichay, Secretary General ng Partido, sa Nobyembre 15 pa malalaman kung sino ang mga pinal na kandidato para sa susunod na eleksyon.


Oras na malaman, dito na magdedesisyon ang partido kung sino ang susuportahan.

Umaasa rin ang partido na magbabago ang isip ni Davao City Mayor Sara Duterte at kumandidato sa pagkapangulo sa 2022.

Bukas din aniya ang LAKAS-CMD sakaling sumali ang alkalde sa kanilang political party.

Sa ngayon, may ilang miyembro na ng partido ang naghain ng COC para sa presidente, bise-presidente at senator sakaling magbago ang takbo ng desisyon.



Facebook Comments