Isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang final orientation para sa pagpapatupad ng S-Pass sa probinsya.
Dumalo ang higit isang daang representante ng 48 LGUs sa lalawigan kabilang ang Chief of Police ng PNP maging ang ibang concerned agencies.
Sinabi ng Management Information Services Office sa mga partisipante, malaking tulong ang naturang online travel management para sa seguridad ng mga Pangasinense sa kabila ng pandemya.
Ayon naman kay PDRRMO Col. Rhodyn Luvhinvar Oro, 70% na mga LGUs sa probinsiya ang gumagamit na ng S-Pass.
Sa kasalukuyan, 47 LGUs maliban ang lungsod ng Dagupan ay mayroon ng access sa S-Pass.
Facebook Comments