Final spot para sa senatorial lineup ni VP Leni Robredo, iaanunsiyo sa tamang panahon – Spokesperson

312

Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na hintayin na lang muna kung sino ang magiging ika-12 spot para sa kanilang senatorial lineup sa 2022 elections.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Atty Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo na maghintay muna ang mga taga-suporta lalo na’t pinag-iispan pa kung sino ang huli miyembro ng senatorial slate.

Iaanunisyo din naman aniya ito sa tamang panahon at sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawa nilang proseso.


Una nang inihayag ni Robredo na nagpapatuloy pa rin ang kanilang pag-uusap nina Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares at labor leader na si Sonny Matula.

Facebook Comments