BILANG NG APEKTADONG INDIBIDWAL SA BAGYONG MARING SA ILOCOS REGION HIGIT KALAHATING MILYON NA

33

Sumampa na sa higit kalahating milyong indibidwal sa Ilocos Region ang apektado ng pananalasa ng bagyong Maring.
Sa tala ng Department of Health-Center for Health Development , 511, 852 na katao na binubuo ng 121, 675 na pamilya ang apektado ng bagyo.
Ang nasabing bilang ay mula sa 825 na barangay sa rehiyon.
Nasa 3, 492 na pamilya o 12, 228 na katao ang nanatili sa evacuation centers habang 21, 499 na ang nakauwi sa kanilang tahanan.
Samantala, mayroon namang 14, 090 na family food packs ang inihanda ng DSWD Field office 1 sa mga apektadong residente.

Facebook Comments