Final stage ng clinical trial ng mRNA vaccine, posibleng umpisahan na sa susunod na buwan

Sisimulan na sa susunod na buwan ang final stage para sa trial ng isa sa posibleng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa biotech company na Moderna, layon ng pag-aaral na makita ang malinaw na clinical proof para sa mRNA vaccine na may kakayahang tulungan ang isang indibidwal na makaiwas mula sa nakamamatay na virus.

Ayon sa kumpanya, may kakayahan din ang naturang gamot na tulungan ang katawan ng pasyente na hindi na lumala pa ang nararamdaman nitong sintomas na magiging dahilan para ito ay maospital.


Nabatid na ang Moderna ang kauna-unahang biotech company na nagsagawa ng human clinical trials sa kanilang ginawang gamot.

Facebook Comments