MANILA – Halos tapos na ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota para sa halalan sa Mayo.Sinabi ni Comelec Spokesman James Jiminez, na posibleng matapos ang ballot printing sa Abril-a-dyes (araw ng Linggo) na mas maaga sa target date na Abril-a-bente-singko.Samantala, isasagawa ngayong araw ang final testing and sealing ng mga Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa Overseas Absentee Voting (OAV).Ayon kay Comelec Comm. Arthur Lim, bahagi ng proseso ang pagselyo sa mga makina bago ang mismong paggamit dito upang matiyak na dumaan ang makina sa mahigpit na pagsusuri.ang OAV ay idaraos simula (bukas) Abril 9 hanggang Mayo 9 at isasagawa ito sa mga embahada, konsulada at iba pang lugar na pinili ng Dfa at Comelec.
Facebook Comments