Isang Sundalong Pinoy, Patay Sa Nagpapatuloy Na Balikatan Exercises

18

SUBIC – Isang sundalong pinoy ang namatay sa kalagitnaan ng Balikatan exercises sa Subic.Ayon kay Capt. Celeste Frank Sayson, Balikatan Public Affairs Officer, nagti-training sa pagsasagawa ng parachute jump ang sundalo ng philippine air force nang mangyari ang aksidente.Sa imbestigasyon, hindi nakalapag sa landing zone ang sundalo dahil sa lakas ng hangin at tinangay ito sa Subic Bay Airport.Inabot ng labing limang (15) minuto bago nakuha ang katawan ng biktima na ideneklarang dead on arrival sa Uni-Health Hospital.Hindi na muna pinangalanan ang namatay na sundalo habang ipinapaalam pa sa kanyang kaanak ang nangyaring aksidente.

Facebook Comments