Final testing and sealing sa nasunog na paaralan sa Abra, tuloy ngayong araw

Tuloy pa rin ang final testing and sealing ng Commission on Elections (Comelec) sa Dangdangla Elementary School sa Bangued, Abra.

Ito ay matapos na masunog ang main building na orihinal na gagamiting polling place sa darating na halalan sa May 12.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, magsisilbing Priority Polling Place at Administrative/Holding/Storage Area ang dalawang gusali na hindi naapektuhan ng sunog.

Ngayong alas-2:00 ng hapon inaasahang isasagawa ang final testing and sealing sakaling bumalik ang kuryente at ideklara nang ligtas ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Una nang sinabi ni Garcia na walang nadamay na Automated Counting Machines dahil hindi pa ito naide-deliver nang mangyari ang sunog.

Nilinaw rin ng poll body na tuloy at hindi ipagpapaliban ang halalan doon at gagawa na ng make-shift polling center alinsunod sa contingency plan.

Facebook Comments