Manila, Philippines – Isasailalim bukas sa final weight-testing ng Department of Transportation (DOTr) at MRT3 Management ang nasa apatnaput walong Dalian trains.
Ayon kay MRT3 Spokesperson Aly Narvaez, kailangan ang pagtimbang para makita kung pasok sa prescribed specifications at sa terms of Reference ang mga nabiling bagon galing ng China.
Pero, nilinaw ni Narvaez na kahit matapos ang pagtimbang ay hindi nangangahulugan na magagamit na agad ang mga Dalian trains.
Bahagi pa rin aniya ito ng nagpapatuloy na audit ng TUV Rheinland na nagmungkahing ulitin ang weight-testing ng 48 LRV.
Nabigo kasi ang naunang project team na saksihan ang weigh testing na ginawa daw sa China noong 2015.
Pagkatapos ang gagawing pag timbang, i a-analyze ang data na siya namang isusumiteng report ng independent consultant.