Finance committee na bumubusisi sa budget ng mga ahensya, handang ibigay ang confidential fund ng DepEd

Hindi minasama ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara kung bigyan ng alokasyon para sa confidential fund ang Department of Education (DepEd).

Ayon kay Angara, ang confidential fund ay maaaring ibigay ng Kongreso sa DepEd lalo kung ito ay mabibigyang katwiran ng ahensya.

Sinabi ng senador na kung kailangan ng DepEd ang intel funds, basta’t hindi ito masasayang at may kaakibat itong pampublikong layunin ay okay o ayos lang naman na ibigay ang pondong ito.


Mababatid na inihirit ni Senator Risa Hontiveros na ilipat sa indigenous people’s education program ang P150 million confidential fund ng DepEd.

Iginiit ngayon ni Hontiveros na ang ‘intelligence operations’ na nais gawin ng DepEd ay magiging ‘redundant’ lang dahil mayroon nang mga ahensya na nakatuon sa national security, national defense, law enforcement at maging sa proteksyon sa mga kabataan at mga kababaihan.

Punto pa ng senadora, hindi trabaho ng DepEd ang pambansang seguridad at wala ring kakayahan o imprastraktura ang ahensya para maglunsad ng surveillance activities at paglaban sa krimen.

Facebook Comments