1.5 MILYONG HALAGA NG KUSH, NAKUMPISKA SA DALAWANG HIGH VALUE TARGET SA URDANETA CITY

28
Arestado ang dalawang high value target individual sa lungsod ng Urdaneta matapos itong mahulihan ng 1. 5 milyong halaga ng kush isang high grade marijuana.
Kinilala ni PDEA Regional Director Ronald Allan DG Ricardo ang mga naaresto na si Tianes Rouch at Jomari Dalina.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa dalawa sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan pasado ng 6:00 noong Lunes.

Maliban sa kush nakuha din ang 12,000 na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa dalawa.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawa. |ifmnews
Facebook Comments