Duda ang Department of Finance (DOF) na ang actuarial life ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay aabot na lamang ng isang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ang information system ng PhilHealth ay magulo.
Ipinunto nila ang problemang ito sa PhilHealth noon pang Oktubre ng nakaraang taon.
Pinayuhan ng kalihim ang PhilHealth na ayusin ang kanilang impormasyon upang hindi lamang one-year projection ang kanilang nagagawa.
Naniniwala si Dominguez na kailangang ayusin din ang pamumuno sa PhilHealth para magkaroon ng laman ang kanilang liabilities at eksaktong fund life.
Una nang sinabi ni PhilHealth Acting Senior Vice President Nerissa Santiago na masasaid na ang pondo ng PhilHealth pagdating ng 2021.
Inaasahan ng PhilHealth na aabot sa P90 bilyon ang kanilang Net Operating Loss ngayong taon kapag umabot pa ang pandemya sa 2021 at posibleng tumuntong pa ito ng hanggang P147 bilyon.