Finance Secretary Carlos Dominguez, binatikos si Environment Secretary Gina Lopez sa confirmation hearing ng CA

Manila, Philippines – Binatikos ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa harap ng Commission on Appointments (CA) si Environment Secretary Gina Lopez.

 

Ayon kay Dominguez – hindi nagkaroon ng due process sa pagpapasara ni Lopez ng 23 minahan at suspendehin ang limang mining firms sa bansa.

 

Isa si Dominguez sa mga tumutulong sa hakbang ni Lopez dahil malaki ang mawawalang kita ng pamahalaan sa sektor ng pagmimina.

 

Dagdag pa ni Dominguez – nasa 821 million pesos ang posibleng mawala sa kita ng gobyerno.

 

Itinanggi naman ng kalihim na may away sila ni Lopez.

 

Samantala, sumadya na sa Office of the President ang 12 kumpanya ng minahan para umapela,

 

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kahit mawala pa ang bilyu-bilyong pisong kita mula sa mining industry ay buo ang suporta nito kay Lopez.

Facebook Comments