Financial aid ng mga naapektuhan ng ECQ sa Metro Manila, naibigay na sa mga LGU

Naibigay na ng pamahalaan sa mga Local Government Unit (LGU) sa Metro Manila ang pondo bilang ayuda sa mga naapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao, nasa P10.8 billion ang inaprubahang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para sa financial aid ng mga apektado ng ECQ sa Metro Manila.

Aniya, hindi na idinaan sa kanilang ahensya ang pondo batay sa kanilang napagpulungan.


Paliwanag ni Dumlao, ipapaubaya na nila sa mga LGU kung paano mas epektibong maipapamahagi ang pondo sa mga benepisyaryo

Facebook Comments