*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpaalala ang tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-RO2) Region 2 sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na maaring magtungo sa kanilang tanggapan para i-claim ang Financial Assistance mula sa gobyerno.
Ayon kay OWWA Regional Director Luzviminda Tumaliuan, maaari ng kunin sa kanilang tanggapan o makipag ugnayan sa mga LGUs para sa sampung libong piso na Assistance (P10,000.00) mula sa pamahalaan.
Sinabi pa ni Direktor Tumaliuan na ihanda lamang ang ilang mga dokumento gaya ng plane ticket, valid passport, employment contract mula sa agency at iba pang dokumentong magpapatunay na may kasalukuyan pa silang kontrata.
Binigyang-diin din nito na bago i-claim ang nasabing financial assistance ng mga OFW na mula sa mga bansang apektado ng COVID-19 gaya ng Mainland China, Hongkong, Macau at Taiwan ay mangyaring magself-quarantine muna ng 14 araw bago magtungo sa kanilang tanggapan.
Sa ngayon ay nananatili pa rin ang travel sa bansang Taiwan para sa kaligtasan na rin ng mga Pilipinong magtutungo sa nasabing bansa.