Financial assistance sa OFWs na hindi nakabalik sa kanilang trabaho sa Taiwan dahil sa travel ban, pag aaralan ng OWWA

Makikipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga employer ng mga Pinoy OFWs sa Taiwan na kabilang sa na-stranded dahil sa travel ban ng Pilipinas sa harap ng banta ng Corona Virus Disease o CoVid-19.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, tutulong ang na rin ang Labor Office na makipag-ugnayan sa mga employer ng OFWs sa Taiwan para maunawaan ang sitwasyon sa travel ban.

Isusulong ng OWWA ang financial assistance para sa OFWs sa Taiwan na hindi muna makakabalik sa kanilang trabaho.


Ayon Kay Cacdac, sa ngayon ang ina-ayudahan pa lamang ng gobyerno ay ang OFWs mula China, Hong Kong at Macau na apektado ng travel ban.

Facebook Comments