Financial Expert hinimok ang publiko na suportahan ang BOL

Kabilang sa nananawagan ngayon na suportahan ng publiko ang Bangsamoro Organic Law si former ARMM Finance Director Atty. Mimbalawag Barok Mangutara ,CPA.
Magiging malaking tulong aniya ang BOL di lamang para sa mga Bangsamoro maging sa Lumad at Kristyano lalo na sa financial na usapin.
“Kung sa ngayon mayroong 32 Billion Pesos na pundo para sa ARMM, mas higit aniyang magiging malaking tulong ang 60-70 Billion Pesos na Block Grant para sa BARMM” giit pa ni Atty. Mangutara sa panayam ng DXMY.
Kaugnay nito iginiit naman ni Atty. Mangutara na hindi magiging posible ito kung hindi makikiisa ang publiko, kung kayat hinihikayat nito ang lahat na bumuto ng YES sa January 21 2019.
Bukod sa pagiging abogado, kilalang Certified Public Accountant si Magutara na naging katuwang sa Reporma sa ARMM sa halos pitong taong paninilbahan kasama si ARMM Governor Mujiv Hataman.
FB PIC

Facebook Comments