Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa partner Financial Service Providers (FSPs) na huwag magpataw ng unauthorized fees o mag-overcharge sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) para sa kanilang over-the-counter cash outs.
Nabatid na isang Cebuana Lhuillier branch sa Parañaque City, isa sa SAP payout centers ay nagpapataw ng ₱250 insurance fee.
Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, pinaaalahanan nila ang lahat ng FSPs na huwag mangolekta ng nasabing halaga sa mga SAP beneficiaries.
Ang mga benepisyaryong mayroong concern hinggil dito ay maaaring tawagan ang hotline numbers ng Starpay na 833-7827 at mobile numbers 0950-986-7827, 0921-777-7722 at 0939-600-0020.
Maaari din silang magpadala ng e-mail sa help@starpay.com.ph o bisitahin ang kanilang Facebook account na @starpay.ph.
Ang anim na FSPs ay GCash, RCBC, Robinsons Bank, PayMaya, Starpay at UnionBank.