Financier ng grupong Maute, arestado sa Quezon City

Manila, Philippines – Nagsisilbing front o nagpapatakbo ng negosyo ni Ominta Romato Maute, alias Farhana ang 42- anyos na si Rasdy Malawani alias Rasdi Macabangkit/Makabanket na nalambat ng pinagsanib na puwersa ng QCPD ,National Intelligence Coordinating Agency-NCR at ng AFP Naval Intelligence Service Group-NCR.

Si Alias Farhana ay nanay naman ng mga Maute brothers na naiiuugnay sa ISIS.

Lumilitaw na pinatatakbo ni Rasdi ang Salaam Bazaar sa Novaliches Plaza Mall.


Ang mga upa o rentals sa mga stalls ay kaniyang ini re remitt sa isang taga Marawi City.

Nang palalimin pa ng mga intelligence agencies ang pagsisiyasat , nakilala ang taong ito na si Azesha Macabangkit-Maute alias Lily, na asawa ni Madie Maute, isa sa mga napgplano ng pagkubkob sa Marawi City.

sa Bisa ng Search warrant na inisyu ng QC RTC Branch Br. 89, sinalakay noong madaling araw kahapon ng mga otoridad ang tahanan ni Rasdi sa Blk. 4 Lot 2, Marytown Circle, Greenfields I, Brgy Kaligayahan, Novaliches, QC.

Nakuha sa bahay ng suspek ang walang lisensyang Colt cal. 45 pistol at limang mga bala. Isang rocket-propelled grenade (RPG), ibat ibang bank transaction receipts na nagamit sa pagtunton dito.

November 2016 nang pansamatalang tumuloy sa bahay ni Rasdie ang isa pang miyembro ng Maute na si Jerry Maute .

Isa pang miyembro ng Maute , si Tura Marohom Maute ay nakitira din kay rasdie bago ito nagtungo sa Malaysia at Saudi Arabia para magsanay sa paggawa ng bomba.

Facebook Comments