Istorya ni Xian Intay man Balakadan

Dear I,

Alam mo ang pinakamasayang araw na nagyari sa buhay ko?Yun yung araw na nakita at nakilala ko siya, at hindi ko akalain na sa isang iglap magmamahalan pala kaming dalawa.

Tawagin mo nalang ako sa pangalang Xian, 22 years old. Isang babaeng simple, masayahin, wagas magmahal pero nasasaktan parin, mapagbigay at masarap kasama. May mga nakarelasyon na din dati pero sadyang mapaglaro ang tadhana dear I.


Mga pagsasamahang akala mo sila na kasi saka nila umikot ang mundo mo pero hahantong lang pala ang mga ito sa wala. Kaya mula noon walanakong gustong makarelasyon. Mahigit ilang taon ding walang lovelife “Ana ngarud kasta la’t biag” nga kunada dear I, kasi takot masaktan lalo namadali akong magtiwala sa karelasyon.

Napasok ako sa isang government program para sa survey sa barangay dear I at dun ko nakilala ang isang kaibigan. Tawagin mo na lang sa pangalang MJ. Magaling kumanta tumugtog ng gitara at isa siyang drummer. Kahit sino mapapabilib talaga sa kanya. Hindi kami magkakilala pero nakikita ko na siya dati. Magkasama kami sa trabaho at dun ko lang nalaman ang pangalan nya.

Xian: Intayun agmeryenda

MJ: Wen ngem ilibre nak ket pagyosik lng tuykwartak!

At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin dear I.

Inaamin ko Dear I isa akong Bisexual. Nakapagrelasyon na din ako ng boys pero nararamadaman ko din minsan pati sa babae napapatibok ang puso pero di halata. Call and text jan after ng work hanggang sa maging close na kami. Tapos hatid sundo niya ko minsan sa work namin kasi may motor siya.

Minsan may outing ang grupo naming mga surveyor kasi parehaskaming umiinom ng alak yun lang nagyoyosi siya ako hndi. Ang saya saya namingsa isat-isa parang samin na ang mundo, lambingan mga kulitan. At dun nataposang inuman at isa ako sa mga nalasing dear I, diko namalayan xa na palanaghatid sa akin at dun na din siya natulog sa tabi ko.

Napakatahimikna gabi ng sa isang iglap habang tulog ako, lasing pero nakakaramdam,tinititigan pala niya ako ng biglang may isang dumapo sa king mga labi, isangmatamis na halik galing sa kanya Dear I.

For your imformation Dear I, MJ is a girl. Maganda na maypagkaboyish din na dimo inaakalang magagawa nya sakin yun,dina kami nagkaimikan at siya’y umuwi na ng maaga. Pagpasok sa work di siya makatingin sakin Dear I.sabi niya nahihiya daw siya sa nagawa niya then I ask her if she’s a lesbian and she replied No.

Then hanggang sa naging ok na naman kmi Dear I. Nagkarelasyon kami Dear I na walang nakakaalam kasi sa maniwala k at sa hindi babae kami kung manamit pero sa loob BI kami. Maraming beses na naulit ang mga masasayang gabi. Di kami open sa mga tao Dear I kaya I need pieces of advice!

Sa ngayon Dear I mag-aanim na buwan nako d2 sa UAE kc knuha ako nipapa .Pinaghiwalay man kami ng tadhana pero sa isip at puso kami parin.Nangako kami sa isat-isa habang nasa airport kami kc sya ang naghatid sakin “uray kasanu ti kinaadayo ta, uray manu nga aldaw bulan ken tawen awan agsuksukodua tan tu latta” dagita nga balikas dear I.
Tanging unan at kumot lang ang karamay ko sa tuwing nahohomesick ako lalo la yung mga time na dinadalaw ako ni selos. Mahirap dear I lalo nat nakahanap siya ng work niya dian sa Laoag City isang call center yun. Pero nagagawan padin naman namin ng paraan para magkaayos na kami. Kasi andun parin yung tiwala naming sa isa’t isa Dear I.

Malapit na kaming magtwo two years na kami, I still remember we bought a pair of ringnung 1st anniversary namin sa Robinsons Mall. “Mami” ang tawag nya sa akin kasidaw lagi ko siyang nililibre tsaka pag may hiling siya nabibigay ko kung kayako at “Bih” ang tawag ko din sa kanya. Alam ko na mali ang same sex relationship sa harap ng Dios pero kung yun naman ang tadhana nya sa amin , I still thank God!
Hanggang sa pagbabalik Pinas ko Dear I, siya parin sana. Nasaktan ako ng ilang beses noon, na pinalitan naman ng isang tunay na pagmamahal ngayonna nakita ko sa kaparehas kong kasarian. I salute the people who are in public same sex relationship.
Kahit marami kaming di pagkakaintindihan ayokong sumuko, di ako nahihiyang ipagsabi na hahabulin ko tlaga siya kasi alam kong pag bumitiw ang isa sa amin, di lang ako ang magiging kawawa, kaming dalawa. Hanggat kayang isolve go and go! Wala sa vocabulary ko dear I yung move on, Kasi di talaga ako makakamove on kung mawala siya sa akin.
“ Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo,di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may isang daan na dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka”.

Gumagalang,
Xian

Ania kadi ti maibalakad mo ken Xian Bes? Advise ditoyen comment box tayo.

Facebook Comments