Sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa bansa, pagdiriwang ng Eid Al-Adha, naging mapayapa!

48

Sa kabila ng kinakaharap na pandemya sa bansa dahil sa COVID-19, mapayapa pa ring nakapagdiwang ang mga kapatid nating Muslim ng Eid Al-Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.

Maaga pa lamang ay nagtipon-tipon na sila sa Quiapo para sama-samang magdasal sa Golden Mosque.

Bilang pag-iingat, mahigpit na ipinatupad ang ilang health protocols sa mosque kung saan kailangang may suot na face mask at nakuha ang body temperature bago makapasok.

Bagamat kakaiba ang naging pagdiriwang ngayon ng mga kapatid nating Muslim sa Eid Al-Adha, isa pa rin itong importanteng araw sa kanila na kailangang ipagdiwang.

Facebook Comments