Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na huwag haluan ng pulitika ang findings patungkol sa drug war killings.
Ito ang pahayag ng komisyon matapos silang akusahan ng ‘black propaganda.’
Ayon kay CHR Chairperson Atty. Jacqueline de Guia, ang mga nakalap nilang findings hinggil sa mga pinatay ng mga pulis sa drug-related operations ay mayroong suportang imbestigasyon na isinasagawa ng inter-agency task force na siyang nagre-review ng drug war deaths.
Nakiusap naman si Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana sa CHR na magpasa ng complaints ng mga biktima sa pulisya.
Una nang sinabi ni Senator Ronald Dela Rosa, na dating PNP Chief na dapat maghain ang CHR ng kaukulang reklamo sa korte dahil kung hindi ay maituruing lamang na black propaganda ang kanilang mga pahayag.