Malacañang, tiwalang aalis ang mga barko ng China sa Julian Felipe reef sa ngalan ng pagkakaibigan

Umaasa ang Malacañang na ang mga Chinese vessels na naka-angkla sa Julian Felipe reef sa West Philippines Sea ay aalis sa ngalan ng pagkakaibigan ng Pilipinas at ng China.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang envoy ng China.

Pagtitiyak naman sa Pangulo na kumanlong lamang ang barko ng China sa lugar dahil sa masamang panahon.


Muli ring binigyang diin ni Roque na patuloy na pinoprotektahan ni Pangulong Duterte ang teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng mapayapaang paraan.

Facebook Comments