Finger printing, pinalalagay sa national ID system

Manila,Philippines – Magkakaroon na rin ng thumb print sa ilalabas na national IDsystem sa oras na maging ganap na batas na ito.
  Ayon kayNegros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr., isa sa mga pangunahing may-akda ngpanukala, kasama na sa hihingiin sa mga transaksyon sa gobyerno ang thumb ofinger print.
  Ito ay upangmatiyak na protektado ang impormasyon ng mga indibidwal laban sa mgamapagsamantala at maba-validate sa pamamagitan ng finger print na iyon angidentity ng isang tao.
 
  Naniniwalasi Teves na bukod sa ID ay kailangan din ng thumb o finger-print upang matiyakna iisang tao lamang ang katransaksyon ng gobyerno at hindi makukuha ng kahitna sino ang mga mahahalagang impormasyon.
 
  Sa panukalani Teves ay maglalagay ng “state-of-the-art-fingerprint-based biometricmachines sa lahat ng tanggapan ng gobyerno kung saan dito muna iva-validatekung tama ang impormasyon na nasa Filipino ID at kung iyon talaga ang taongnasa database.  
  Dagdag pa niTeves, kahit wala ang Filipino ID ay maaari pa ring makatanggap ng serbisyo angisang Pilipino dahil sa thumb o finger-print na tutukoy sa personal informationnito.

 

Facebook Comments