FIRE ALERT | 9 patay sa wildfire sa California

21

Paradise, California – Umakyat na sa siyam ang patay sa wildfire sa Paradise, California.

Aabot na rin sa 150, 000 residente ang inilikas.

Maraming negosyo at paaralan na rin ang isinara dahil sa malaking sunog.

Ipinatupad na rin ang paglikas sa mga turista sa Malibu.

Sa ngayon, mahigit na 5,665 hektarya ng lupain ang nasusunog.

Facebook Comments