WEATHER UPDATE | Easterlies, patuloy na nakakaapekto sa bansa

58

Easterlies ngayon ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa weather bureau, umiiral ito sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Posible ang ulan sa Mimaropa, Calabarzon at Bicol Region.

Dito sa Metro Manila, mababa naman ang tyansa ng ulan.

Maaring umabot sa 35 degrees celsius ang heat index ngayong araw.

Malaking bahagi naman ng Visayas at Mindanao ang uulanin sa hapon o gabi.

Nararamdaman ang hanging amihan sa Northern Luzon kaya at malamig ang weekend sa hilagang bahagi ng bansa.

Facebook Comments