FIRE ALERT | Isa patay sa nangyaring sunog sa Cebu

Cebu City – Patay ang isang residente sa nangyaring nasunog na residential area sa Barangay Lorega, San Miguel, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Amando Opura na paralisado.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu City Marshal Chief Inspector Noel Nelson Ababon, alas-2:58 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa bahay ni Gaudencia Recolcol na itinaas sa ikatlong alarma bago naidineklarang under control bandang 3:27 ng hapon.


Ayon sa mga imbestigador, nagsimula sa bahay ni Gaudencia Recolcol ang sunog. Inaalam pa ang naging sanhi ng sunog.

Umabot sa ₱600,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa nasunog na 30 kabahayan.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng apoy habang kasalukuyang nananatili sa barangay ang mga naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments