NANLABAN | Lalaki, patay sa buy-bust operation

Valenzuela City – Binawian ng buhay ang isang drug suspek matapos manlaban sa kinasang drug buy-bust operation sa Malanday, Valenzuela City kagabi.

Kinilala ang suspek na si Christian Padilla na tinamaan ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Chief Inspector Joey Velaro, hepe ng Drug Enforcement Unit ng Valenzuela Police, nagkasa sila ng operasyon laban sa suspek mag-aalas-otso ng gabi.


Nakabili ang mga otoridad ng 2 pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Pero nang aarestuhin na si Padilla bigla nalang itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. Sa pag-ganti, napatay ang suspek.

Nakalap sa counter scene ang kalibre 38 na baril, 14 napakete ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments