Quezon City – Nasa limang bahay ang nasunog sa GSIS Village, Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Sumiklab ang sunog alas-9:55 Lunes ng gabi at umabot sa ikaapat na alarma bago nakontrol alas-11:05 ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa kusina ng mag-asawang sina Roberto at Aurora Corpus hanggang sa kumalat sa mga katabing bahay.
Kwento ng mga residente, maraming iniimbak na kahoy na panggatong sa bahay ng mag-asawa.
Dati na rin anila silang inireklamo sa barangay dahil sa patuloy na paggamit ng kahoy sa pagluluto.
Isang fire volunteer naman ang bahagyang nasugatan sa sunog habang inaalam pa ang halaga ng pinsala ng sunog.
Facebook Comments