TIMBOG | Lalaking nag-bomb joke habang sakay ng RORO, arestado!

23

Dumangas, Iloilo – Arestado ang isang pasahero matapos mag-bomb joke habang nasa RORO Port sa Dumangas, Iloilo.

Dinakip ng guwardya ng pantalan si Luisito Monares, 46-anyos na welder at residente ng Bacolod City matapos magbiro na may dala itong bomba.

Ayon kay PO2 Terrence Sabio, imbestigador ng Dumangas Municipal Police Station, inamin naman ni Monares ang ginawang bomb joke at idinepensa na wala itong ideya na paglabag lumabag siya sa anti-bomb joke law.

Nang dinala sa himpilan ng pulisya, nakuha mula kay Monares ang shabu na nakatago sa kanyang sapatos.

Dahil dito, nahaharap ngayon si Monares sa patong-patong na kaso.

Facebook Comments