Cauayan City, Isabela – “Laban ng bawat isa ang sunog at hindi lamang ang BFP”. Ito ang naging tugon ni City Fire Marshall Senior Inspector Jamille May C. Baloran ng Bureau of Fire Protection kaugnay sa nalalapit na Fire Prevention Month.
Aniya ang kick off sa Fire Prevention Month ay magkakaroon ng Alay Lakad sa March 01 ng umaga kung saan kabilang dito ang ilang opisyal at tauhan ng PNP BJMP, LGU at ibat ibang paaralan dito sa Cauayan City.
Susundan umano ito ng motorcade sa buong lungsod para mabigyan ng hudyat ang lahat ng mamamayan na paigtingin ang pag-ingat at pag-iwas sa sunog.
Ibinahagi pa ni City Marshall Baloran na sa buong buwan ng Marso ay magsasagawa ang BFP ng Fire Volunteer Brigade Training at Fire Drill sa ilang establisyemento dito sa Cauayan City.
Kabilang din umano ang pagbibigay ng Flyers o babasahin sa lahat ng barangay bilang bahagi parin ng information dissemination sa FPM.
Sa katunayan umano ay sisimulan na bukas ang isang Essay at Foster Contest sa ilang paaralan lalo na sa mga estudyante ng elementarya at sekondarya upang mabigyan ng kaalaman at bahagi na maging fire free ang kanilang mga lugar.
Hangad umano ng BFP na makita ng mamamayan na maging parte ng kanilang buhay ang kaligtasan sa sunog.