Manila, Philippines – Hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang National Housing Authority (NHA) na isama sa listahan ng ‘fire danger zones’ ang mga masisikip na komunidad.
Ayon kay Belmonte, ang mga congested community na matatagpuan sa mga pribadong lupain ay dapat ring mabigyan ng relocation at housing programs ng pamahalaan.
Dapat din aniyang ikonsiderang ‘danger-zone’ ang mga fire-prone areas.
Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos niyang inspeksyunin ang kondisyon ng informal settlers na nakatira sa mga lupa na pagmamay-ari ng Manila Electric Corporation.
Facebook Comments