FIRE SAFETY INSPECTION SA LAHAT NG MGA POLICE STATION SA PANGASINAN, ISASAGAWA MATAPOS MASUNOG ANG IKATLONG PALAPAG NG TAYUG POLICE STATION

Nakatakdang magsagawa ng fire safety inspection ang Pangasinan Police Provincial Office sa lahat ng mga police station sa probinsiya matapos ang nangyaring sunog sa Tayug Police Station.
Ayon sa inilabas na pahayag ng PANGPPO, ika-30 ng Abril nang maganap ang sunog pasado 3:30 ng hapon sa ikatlong palapag ng Tayug PS lalo na sa PNCO’s quarter nito.
Sinubukan itong apulahin ng PNP Personnel gamit ang fire extinguisher ngunit mabilis na kumalat ang sunog.
Agad itong itinawag sa BFP Tayug at ilan pang kalapit na bayan upang mas mapabilis ang pag-apula.
Inatasan ni Provincial Director PCOL Richmond Tadina ang hepe ng Tayug PS upang magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang malaman ang naging sanhi at danyos sa nangyaring sunog. | ifmnews
Facebook Comments