VP Robredo, Nanguna sa Presidentiable Poll Survey ng ISU-Ilagan City Campus

38
Cauayan City, Isabela-Nanguna si Vice President at Presidential Candidate Leni Robredo sa Newsette Publication 2022 Presidentiable Poll ng Isabela State University- Ilagan City Campus.

Lumabas sa resulta na nakakuha si Robredo ng 56.4 % total votes, 40.4% naman ang nakuhang resulta ni Presidential Candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos at si Sen. Panfilo Lacson na mayroong 1.3%.

Nasa 1.3% naman ang mga ‘undecided’ o hindi pa alam kung sino ang ibobotong kandidato.

Isinagawa ang Presidential Poll nitong April 27-May 1,2022 na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang kurso ng Isabela State University-City of Ilagan Campus.

Facebook Comments