Monday, January 26, 2026

Fire volunteer, naghain ng reklamo sa NAPOLCOM laban sa pulis na nangharang sa kanilang fire trucks

Pormal nang naghain ng reklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) si fire volunteer Earl Joseph Lantin laban kay Police Corporal Michael De La Paz.

Kasunod ito ng nag-viral na video na makikita ang pulis na nanigaw kay Lantin at nangharang pa sa kanilang fire truck na galing sa pagresponde sa sunog.

Ayon kay NAPOLCOM Chief Commissioner Vicente Rafael Calinisan, agad silang nagsagawa ng motu propio investigation matapos nilang mapanood ang video.

Ani Calinisan, sinibak na sa puwesto si De La Paz at ipinasailalim sa holding unit ng Marikina Police headquarters support service.

Ani Calinisan, ang pagsibak kay De La Paz ay simula pa lang ng accountability process na isasagawa ng NAPOLCOM.

Tiniyak ng NAPOLCOM na mananatili ang pangako nito sa publiko na panatilihin ang disiplina at integridad sa hanay ng law enforcers.

Aniya, tanging ang nakakatugon sa pinakamataas na pamantayan ng pag-uugali ang karapat-dapat na manatili sa police service.

Paalala ng NAPOLCOM chief, magsilbi itong aral sa mga pulis na dapat igalang ang ordinaryong mamamayan, lalo na ang mga kapwa lingkod-bayan, gaya ng mga fire volunteer.

Facebook Comments